Igigiit ni Environment Secretary Roy Cimatu na sertipikahang urgent ng Malacañang ang panukalang batas na bubuo ng Enforcement Bureau sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Dalawang panukalang batas ang nakahain ngayon sa Kamara na nagsusulong na sa paglikha ng Environmental Protection and Enforcement Bureau (EPEB).
Naniniwala ang DENR chief na sa pamamagitan ng permanent enforcement bureau ay maililigtas ang buhay ng mga frontliner na nasa lugar ng panganib sa pakikipaglaban na sugpuin ang environmental crimes.
Sinabi ni Cimatu, habang patuloy na naaantala ang pagpapatibay ng EPEB ay nalalagay lamang sa higit na banta at panganib ang buhay ng mga environmental frontliner.
Ikinukonsidera ng DENR na ilang environment workers ay pinatay dahil sa kanilang trabaho sa DENR law enforcement operation.