3 patay habang 64 ang sugatan, sa panibagong riot sa Bilibid

1552

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na may tatlong bilanggo mula sa New Bilibid Prison (NBP) Maximum Security Compound ang namatay sa riot kaninang umaga.

Bukod dito, 64 na iba pang inmates ang nasugatan.


Sa ngayon, patuloy ang clearing operations ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Corrections (BuCor) Security Force, Philippine National Police (PNP) SAF at National Capital Region Police Office (NCRPO) SWAT.

Ayon kay Sec. Guevarra, inatasan na niya ang BuCor na agad na magsumite sa kanya ng report sa insidente.

Pinakilos na rin ng kalihim ang National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng parallel investigation at palawakin ang ongoing investigation nito sa naunang riot ng inmates sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Facebook Comments