PAGCOR AOB on MPEC Funding

Sa kabila ng patuloy na mahinang kita bunsod ng pandemya, mahigit apat na raang milyong piso na ang nailabas ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR para sa multi-purpose evacuation center project nito.

Mula ang nasabing halaga sa dalawang bilyong pisong budget na inilaan ng ahensya para sa pagpapatayo ng matitibay na evacuation centers sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kumakatawan ito sa first tranche ng pondong ipinamahagi sa mga identified project beneficiaries, na karamihan ay direktang tinatamaan ng malalakas na bagyo.


Kamakailan lang, nakatanggap ng pondo para sa proyekto ang mga bayan ng Catarman sa Northern Samar at San Andres sa lalawigan ng Quezon.

Pinagkalooban ng PAGCOR ng paunang dalawampu’t limang milyong piso ang Catarman para masimulan na ang pagpapatayo ng evacuation center sa nabanggit na bayan.

Samantala, ang San Andres naman ay nakatanggap ng mahigit labintatlong milyong piso para sa pagpapatayo ng ikatlo nitong PAGCOR-funded MPEC sa Barangay Poblacion na may kabuuang halagang 27.9 million pesos.

Bukod sa Catarman at San Andres, kabilang sa mga nabiyayaan ng first tranche ng pondo para sa MPEC ang Tapaz, Capiz; Romblon; Zamboanga Del Sur; Tagudin, Ilocos Sur; Tadian, Mountain Province; Legazpi City at Ligao Sa Albay; Ocampo, Tigaon, San Jose at Sagay sa Camarines Sur; at San Fernando at Floridablanca sa Pampanga.

Facebook Comments