‘PAGCOR GUARANTEE’ SITE, PANANGGA KONTRA BOGUS ONLINE GAMES

Upang labanan ang pagdami ng mga iligal na online gaming site at maprotektahan
ang mga manlalaro, inilunsad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation
(PAGCOR) nitong Martes, Hunyo 18, ang “PAGCOR Guarantee” website na
naglalaman ng listahan ng mga lehitimong gaming provider.

Ayon sa PAGCOR, layunin ng bagong platform na magbigay ng malinaw at
mapagkakatiwalaang gabay para sa mga manlalaro at publiko, lalo na ngayong
dumarami ang mga pekeng online gaming platform.

“This new website will help our players easily identify and verify whether the online
gaming sites are duly licensed before playing or making any payments,” ani
PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco.

“By providing the public with a quick and accessible way to check a site's legitimacy,
we are empowering them to make informed decisions and avoid falling victim to
fraudsters and scammers,” dagdag niya.

Matatagpuan sa website (www.pagcor.ph/pagcorguarantee) ang listahan ng mga
lisensyado at lehitimong internet gaming platform na nasa ilalim ng regulasyon ng
PAGCOR. Maaaring direktang ma-access ng mga manlalaro ang mga verified site
sa pamamagitan ng nasabing page.

Iginiit pa ni G. Tengco na bahagi ito ng pinalalakas na kampanya ng PAGCOR para
sa ligtas at responsableng online gaming sa gitna ng pagdami ng reklamo mula sa
publiko kaugnay sa mga kahina-hinalang operator.

Nagpaalala rin siya na tiyaking lisensyado ang mga gaming platform bago lumahok
sa anumang online activity dahil may ilang site pa rin ang walang lisensya at hindi
nagbabayad ng panalo sa mga manlalaro.

“Illegal online gaming sites not only endanger players but also erode public trust and
deprive the government of vital revenues,” giit ni G. Tengco. “The PAGCOR
Guarantee is a key component of our regulatory framework to protect both the industry and the
Filipino people.”

Facebook Comments