Pagdagsa ng mga tao sa pagbubukas ng isang mall sa Zamboanga, iimbestigahan na ng DILG

Iimbestigahan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbubukas ng SM Mall sa Zamboanga City matapos kumalat ang video na dinagsa ito ng maraming tao at nabigong masunod ang physical distancing measures.

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, maraming mall sa bansa na sa labas pa lamang ng pintuan ay inaayos na kaagad ang pila at distansya ng bawat papasok.

Lumalabas na nagkukumpulan ang mga tao sa entrance ng mall kaya walang nagawa ang mga guwardya ng mga mall.


Hihingan nila ng paliwanag ang local government at ang pamunuan ng mall.

Samantala, nilinaw ni SM Malls President Steven Tan na wala silang ginawang grand announcement para sa soft opening ng nasabing mall.

Facebook Comments