Manila, Philippines – Sasabayan ng mga sunod-sunod na kilos protesta ng samahan ng mga kababaihan ang nakatakdang pagbisita ni US President Donald Trump para dumalo sa ASEAN Summit sa bansa.
Ayon kay Gabriela Secretary General Joms Salvador sasampulan na nila mamaya alas onse ng umaga sa harapan ang kanilang mga gagawing kilos protesta kung saan susuportahan umano sila ng mga kababaihan mula sa Cambodia, Indonesia, Malaysia, Thailand at maging ang mga kababaihan mula sa bansa Amerika.
Paliwanag ni Salvador nagkakaisa umano ang mga kababaihan mula sa naturang mga bansa upang manindigan para labanan ang Neoliberal, Globalization, Militarism at Giyera.
Giit ni Salvador nagkaisa ang mga kababaihan sa maraming bansa upang tutulan ang pagdating ni Trump dahil pansariling interes ang iniisip nito at lalong nagpapahirap lamang umano ito sa bansa.