Pagdami ng Chinese sa bansa, hindi banta sa seguridad

Hindi itinuturing ng PNP na banta sa seguridad ang pagdami ng mga Chinese nationals sa bansa.

Sinabi ni  PNP chief Police General Oscar Albayalde, karamihan sa mga Chinese nationals sa bansa ay dahil sa online gaming.

Nirerecruit ang mga ito ng mga online gaming operators na naka-base sa bansa dahil karamihan sa kanilang mga kliyente ay mga mainland chinese, at kailangan nila ng marunong magsalita ng chinese.


Walang nakikitang panganib ang PNP sa terrorismo mula sa mga chinese nationals, pero may problema sa kriminalidad.

Marami na kasi aniyang naitalang kaso ng kidnapping ang PNP na sangkot ang mga chinese nationals, pero mga kapwa rin nila Chinese ang kalimitang biktima, dahil sa pagkakautang.

Sa mga ganitong kaso lang aniya pwedeng pakialaman PNP ang mga Chinese nationals, pero kung wala naman silang ginagawang masama, ay walang magagawa ang PNP sa kanilang presensya sa bansa.

Giit ni Albayalde, ang Bureau of Immigration ang pangunahing ahensya na responsable sa pagpasok ng mga dayuhan sa bansa.

Facebook Comments