
Hindi pa sigurado kung matutuloy ang unang BARMM Parliamentary Elections ngayong katapusan ng Marso.
Ito ang sinabi ng Commission on Elections (COMELEC) ilang buwan bago ang nakatakdang pagsasagawa ng halalan na ilang beses nang ipinagpaliban.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, wala pa kasing batas para sa redistricting law na nagtatakda sa parliamentary districts ng BARMM.
Kailangan aniya ito para maisagawa ang halalan.
Sa ngayon ay pirma na lamang ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua ang kailangan para maging batas ang Parliament Bill No. 415.
Binigyang diin pa ng poll body ang sinabi ng Korte Suprema na hindi dapat magkaroon ng redistricting 120 araw bago ang halalan kaya magiging paglabag ito kung matutuloy ang botohan sa March 30.
Maglalabas naman ng resolusyon ang COMELEC kung maaaring ituloy o hindi ang unang Bangsamoro Parliamentary Elections.










