Idadaan sa raffle ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagdaraos ng E-campaign sa Biyernes.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, bubunot ng tatlong presidential at vice presidential candidate, limang senador, at sapat na bilang para sa mga partylist group na sasalang sa E-campaign.
Ito ay isasagawa sa loob ng tatlong oras kada gabi at nasa sampung minuto ang ipagkakaloob sa bawat kandidato.
Sa kabuuan ay may 10 kandidato sa pagka-presidente, 9 sa bise presidente, 64 na senador, at 174 na partylist organization.
Facebook Comments