Ilang guro na biktima ng Landbank phishing scam, umaapela na

79

Umaapela na ang ilang guro at kawani ng Department of Education (DepEd) sa Land Bank of the Philippines (Landbank) hinggil sa umano’y phishing scam sa kanilang payroll accounts.

Ayon kay Teachers’ Dignity Coalition (TDC) Chairman Benjo Basas, umabot na sa 20 na guro at kawani ng DepEd ang umapela sa hindi awtorisadong transaksyon sa kanilang Landbank payroll accounts kung saan nasa P160,000 hanggang P200,000 ang halaga ng mga nawalang pera.

Dagdag pa ni Basas na hindi nila sinisisi ang Landbank ngunit kailangang ng masusing imbestigasyon ukol dito.


Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na iniimbestagahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) naturang insidente.

Facebook Comments