Pagdaraos ng mga motorcade, epektibo pa ring panghatak ng mga botante —political campaign strategist

Naniniwala ang isang political campaign strategist na epektibo pa rin ang mga tradisyonal na istratehiya ng pangangampanya.

Sabi ni Alan German, malaki pa rin ang epekto ng personal na presensiya ng mga kandidato gaya ng mga motorcade.

Gayunman, problema aniya ito para sa mga national candidate lalo na’t hindi maituturing na praktikal dahil sa limitadong oras.


Aminado rin si German na malaki ang epekto ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pasya ng mga botante lalo na ng kaniyang mga tagasuporta.

Posible kasi aniya itong magpalakas sa mga kandidatong sinusuportahan ng dating presidente.

Facebook Comments