COMELEC, paiigtingin pa ang kampanya kontra diskriminasyon

Mas palalakasin pa ng Commission on Elections (COMELEC) ang paglaban sa diskriminasyon ngayong panahon ng kampanya.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, mismong siya ang mag-iisponsor ng resolusyon sa en banc para ideklara ang campaign rallies, caucuses, polling places, presinto, canvassing centers at online election platforms bilang safe spaces.

Layon nitong maiwasan ang insidente ng diskriminasyon at pambabastos sa mga indibidwal o grupo lalo na ngayong election season.

Una nang ipinatawag ng poll body ang isang kandidato sa Pasig City dahil sa kontrobersiyal nitong naging pahayag sa gitna ng campaign rally.

Facebook Comments