Iba’t ibang grupo, naghayag ng suporta kay Mayor Teodoro

Nagpahayag ng suporta ang iba’t-ibang grupo sa Marikina City para sa kay Mayor Marcy Teodoro.

Sa isang pagtitipon sa Freedom Park ng lungsod, dumalo ang samahan ng tricycle at jeepney drivers, market vendors, mga manggagawa at grupo ng mga senior citizen upang iparating ang suporta kay Mayor Teodoro.

Isa sa naghayag ng kanilang suporta ang lider ng TODA ng San Roque kung saan ayon kay Joey Herico ng TODA sa Barangya San Roque maayos ang pamamalakad ni Kayor Marcy at hindi sila nahihirapan.

Dagdag pa ni Herico, walang lubak ang mga kalsada kung saan maliwanag at kahit 24 oras silang mamasada ay walang problema.

Nagdaos din ng prayer vigil upang maipakita ang walang pag-alinlangang suporta sa kanilang alkalde.

Facebook Comments