Pinag-aaralan na ng mga eksperto ang posibilidad na ituring ang Monkeypox outbreak bilang global health emergency.
Ito ay makaraang umabot na sa 15,400 ang kaso nito na naitala sa 71 mga bansa sa buong mundo.
Hunyo 23 nang unang ipatawag ng World Health Organization (WHO) ang emergency committee of experts para desisyunan kung dapat na bang magdeklara ng Public Health Emergency of International Concern (PHEIC), ang pinakamataas na alert level ng UN health agency matapos na makapagtala ng surge ng Monkeypox infections sa West at Central African countries noong Mayo.
Pero mayorya ng mga eksperto ang nagsabing hindi pa naman nito naaabot ang threshold.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na desisyon ang komite matapos ang ikalawang pulong.
Samantala, lumalabas sa pag-aaral na inilathala sa New England Journal of Medicine na 95% ng mga kaso ng Monkeypox ay naisasalin sa pamamagitan ng sexual activity.
Sa kabuuan, 98% ng mga tinatamaan nito ay bisexual men, na ang ilan ay nagtutungo sa mga sex-on-site venues gaya ng sex parties o mga sauna.
Ayon kay Tedros, hamon ito ngayon sa ilang mga bansa kung saan nakararanas ng life-threatening discrimination ang mga apektadong komunidad.