DOTr Secretary Jaime Bautista, nagpositibo sa COVID-19

33

Nagpositibo sa COVID-19 si Transportation Secretary Jaime Bautista.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), naka-isolate na ang kalihim na kasalukuyang nakararanas ng mild symptoms COVID-19 gaya ng pananakit ng ulo at ubo.

Sa kabila nito, tiniyak ng ahensya na patuloy na gagampanan ni Bautista ang kanyang trabaho at patuloy na makikipag-ugnayan sa kanyang staff.


Facebook Comments