Pagdedeklara ng martial law sa Mindanao, ipinaliwanag ng Dept. of Foreign Affairs sa halos 100 diplomats

Manila, Philippines – Nagpaliwanag ang Dept. of Foreign Affairs sa halos 100 diplomats kung bakit kailangang magdeklara ng martial law sa Mindanao ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang opening statement, sinabi ni DFA Sec. Alan Peter Cayetano – kailangan ang batas militar sa Mindanao dahil sa presensya ng ISIS sa Pilipinas.

Kasabay nito ay tiniyak ni Cayetano sa mga diplomat na hindi aabuso ang gobyerno sa pagpapatupad ng batas militar.


Natapos naman ang closed door briefing ng DFA sa loob lamang ng 30 minuto.

Dagdag pa ng kalihim, may nag-alok din ng tulong upang maibalik sa normal ang buhay ng mga apektadong residente kapag natapos na ang operasyon sa Mindanao.
DZXL558

Facebook Comments