Pagdinig ukol sa mga naging aberya sa eleksyon itinakda na sa June 4

Kasado na sa June 4 ang gagawing pagdinig ng joint Congressional Oversight Committee on Automated Election ukol sa mga naging aberya sa katatapos na halalan.

 

Ito ang inihayag ni Senator Koko Pimentel na syang co-chairman ng oversight committee.

 

Diin ni Pimentel, dapat mabusisi ang mga naging pagpalya ng maraming vote counting machines, mga SD cards, at iba pa.


 

Giit naman ni Senator Panfilo Ping Lacson, dapat masagot ng Commission on Elections o Comelec sa pagdinig ang samut saring isyu.

 

Pangunahing tanong ni Lacson kung bakit kinailangan pang idaan sa transparency server ang nakagawiang simultaneous transmission of data mula sa precinct level.

 

Punto ni Lacson, nagdulot pa ito ng pitong oras na pagkabinbin ng paghahatid ng data.

 

Nais malaman ni Lacson kung sino ang may kontrol sa transparency server at ano ang silbi ng pag-akto nito bilang traffic controller.

 

Gusto ding marining ni Lacson ang paliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga SD cards na mahina ang kalidad.

Facebook Comments