Cauayan City, Isabela- Suspendido ang pagdiriwang ng 26th Founding Anniversary at 5th Bodong Festival sa lalawigan ng Kalinga ngayong darating na buwan ng Pebrero.
Ito ay makaraang mapagdesisyunan na ipagpaliban ng mga miyembro ng Provincial Management Committee.
Ilan sa dahilan ng kanselasyon ng nasabing kapistahan ay ang paglobo ng kumpirmadong kaso ng tinamaan ng COVID-19 sa buong probinsya, ayon kay Executive Assistant to the Governor Elizabeth Balais II.
Gayunpaman, magsasagawa ng pag-alala sa mga nagdaang selebrasyon mula sa mga naggagandahang dekorasyon at mga ipinagmamalaking ganda ng bawat bayan.
Samantala, Enero 18 ng ikagulat ang isang araw na maitala ang 108 na kumpirmadong tinamaan ng sakit mula sa 664 na sumailalim sa swab test.
Dagdag dito, naitala naman ang unang kaso ng pagkamatay sa bayan ng Balbalan dahil sa comorbidity nitong hypertension at diabetic habang dalawa (2) sa Tabuk City.
Matatandaang noong nakaraang taon ng kanselahin ang Bodong Festival dahil sa banta ng COVID-19.