Cauayan City, Isabela- Suspendido ang pagdiriwang ngayong taon ng Bambanti Festival sa lalawigan ng Isabela.
Ito ang kinumpirma ni Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag.
Ayon sa kanya,isa sa kagustuhang matiyak ni Governor Rodito Albano III ang kaligtasan ng mga Isabeleño kung kaya’t hindi nito pinahintulutan ang taunang selebrasyon.
Nakatuon din ang Provincial Government sa usaping pangkalusugan ng publiko ngayong banta pa rin sa lahat ang COVID-19.
Samantala, magkakaroon naman ng virtual showcase sa kanilang facebook page sa huling linggo ng buwan ng Enero upang saksihan ang mga matagumpay na pagdiriwang ng kapistahan sa mga nagdaang taon gayundin ang mga natanggap na parangal ng lalawigan.
Wala umanong plano ang Isabela na magsagawa ng online competition dahil ilalaan ang pondo sa mga kakailanganin ng frontliners at mga apektado ng pandemya.
Ang salitang bambanti o scarecrow ay ginagawang bantay at panakot sa mga peste, ibon o hayop sa mga taniman o palayan para sa masaganang ani.
Pagdiriwang ng ‘ Bambanti Festival 2021’, Suspendido
Facebook Comments