Pagdiriwang ng Pasko ngayong 2021, generally peaceful – PNP

108

Naging payapa sa pangkalahatan ang selebrasyon ng Pasko sa buong bansa.

Ito ang kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng idinaos na Christmas eve.

Sinabi ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na naging maayos ang peace and order sa pagsalubong Pasko sa buong bansa.


Ayon kay Carlos, natutunan ng PNP na harapin ang hamon sa pagbibigay seguridad sa mga matataong lugar at maging sa mga pangunahing instalasyon ng gobyerno sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Bunsod ito ng mas maluwag na health at safety protocols kumpara noong 2020 kung saan isinailalim sa lockdown ang mayorya ng lugar sa Pilipinas upang hindi magkahawaan sa COVID-19.

Ayon pa kay Carlos, marami rin sa mga Local Government Unit (LGU) ang inalis na ang liquor ban, pinaikli ang curfew, inalis na ang mga qua­rantine checkpoint nang ibaba na sa Alert Level 2 ang buong bansa.



Pinasalamatan din nito ang mga LGU sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Odette dahil sa pagpapatupad ng total ban sa mga paputok dahil na rin sa kanilang sitwasyon na walang kuryente at tubig.

Facebook Comments