Alinsunod ito sa Proclamation No. 36 na nilagdaan ni Executive Secretary Vic Rodriguez noong August 10, 2022.
Ayon sa proklamasyon, dapat mabigyan ang mga mamamayan ng Tuguegarao ng buong pagkakataon na makilahok sa selebrasyon ngunit kailangan pa rin ipatupad ang minimum health protocol sa mga aktibidad ng kapistahan.
Ang selebrasyon ng Pavvurulun Afi Festival ay nagsimula noong Agosto 1, 2022 at magtatapos ngayong araw, Agosto 16, 2022.
Tampok sa pista ang iba’t ibang aktibidades katulad ng food and trade fairs, folk song contest, tree planting, band competition, street dancing, pancit festival, at ang inaabangang Miss Tuguegarao pageant at concert.
Ngayong araw ang opisyal na araw ng kapistahan at ang pagsasara ng selebrasyon ng okasyon.
Kaninang umaga ay nagkakaroon ng misa sa San Jacinto Chapel.
Bandang alas dos ng hapon naman ay gaganapin ang closing ceremony ng selebrasyon ng pista sa Robinsons Place Tuguegarao at susundan ng isang concert tampok ang mga sikat na banda mamayang alas 6:00 ng gabi sa Rizal Park.