Paggamit ng Baricitinib bilang alternatibo sa Tocilizunab, pinag-aaralan na

Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng Baricitinib bilang alternative drug sa Tocilizumab na ginagamit sa paggamot sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay DOH Undersecretary Leopoldo Vega, nakikipag-usap na sila sa distributor para dagdagan ang suplay nito sa bansa.

Matatandaang sinabi ng DOH na nahihirapan silang kumuha ng Tocilizumab dahil sa limitadong suplay.


Ayon kay Vega, sa ikatlo o huling linggo pa ng Setyembre inaasahang darating sa bansa ang suplay ng nasabing gamot na gawa pa sa Sweden.

Gaya ng Tocilizumab na isang anti-inflammatory drug, ang Baricitinib ay ginagamit sa paggamot ng rheumatoid arthritis.

Facebook Comments