Paggamit ng cellphone habang naglalakad sa kalye, ipagbabawal sa Baguio City

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Sangguniang Panglungsod ang Anti-Distracted Walking Ordinance of 2018 ng Baguio City.

Ayon kay Councilor Francis Robert Ortega, ipagbabawal na ang paggamit ng cellphone at iba pang distractive devices habang naglalakad sa kalsada at tumatawid sa pedestrian lanes ng nasabing lungsod.

Si Scout Officer For-A-Day Eriko Coscolluela ay may-akda ng bagong batas.


Layunin ng panukalang ordinansang tiyakin ang kaligtasahan ng publiko tuwing naglalakad at tumatawid. Itinuturo rin itong sanhi ng kabagalan maglakad ng ilang tao.

Mapapatawan ang sinumang lalabag ng mga sumusunod:

  • First offense – verbal warning
  • Second offense – P1,000 multa at community service
  • Third offense – P2,000 multa at 10 araw na community service
  • Fourth offense – P2,500 multa at isang buwan na community service

Naaprubahan ang inihaing ordinasa noong Hunyo 24.

Pirma na lamang ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang hinihintay para tuluyan maipatupad ang Anti-Distracted Walking Ordinance of 2018. Magiging epektibo ito 15 araw matapos ilathala.

Facebook Comments