Paggamit ng cellphone habang nagmamaneho, bawal pa rin sa kabila ng temporary suspension ng Anti-Distracted Driving Act; review sa IRR, kasado na sa May 30

Manila, Philippines – Tututok sa paggamit ng mobile devices bilang navigation tools ang isasagawang review ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-Distracted Driving Act.

Una rito, pansamantalang sinuspinde kahapon ang pagpapatupad ang Anti-Distracted Driving Act dahil na rin sa kalituhan sa mga ipinagbabawal sa ilalim ng batas.

Gayunpaman, nilinaw ni LTFRB Board Member at Spokesperson Atty. Aileen Lizada na mananatiling bawal ang paggamit ng cellphones habang nagmamaneho.


Makikipag-ugnayan na rin ang Department of Transportation (DOTr) sa Technical Working Group (TWG) para masimulan ang review sa susunod na linggo.

Pagkatapos nito, maglulunsad ng information at education campaign ang LTFRB saka tuluyang ipatutupad kapag nagbigay na ng go signal ang DOTr.
DZXL558

Facebook Comments