
Binuweltahan ng Philippine Coast Guard ang paggamit ng China sa isang liham noong 1990 para ipakitang isinuko umano ng Pilipinas ang Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.
Ayon ka PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela, mali ang interpretasyon at layon lamang nitong baluktutin ang katotohanan.
Ang naturang liham ay mula kay dating Ambassador Bienvenido Tan Jr. na para sa isang German kung saan nakasaad na nasa labas ng colonial boundaries ang bahura.
Sabi ni Tarriela, hindi opisyal na dokumento ang ibinibida ngayon ng China lalo’t una na raw ipinaliwanag ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na walang kapangyarihan ang isang ambassador na magbitiw o magpasya tungkol sa soberanya ng isang bansa.
Ang muling paglalabas aniya ng liham ay bahagi umano ng piling naratibo para bigyang katwiran ang kanilang pag-angkin sa lugar.
Iginiit pa ng opisyal na ang Bajo de Masinloc ay matagal nang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas alinsunod na rin sa 2016 arbitral ruling.










