Paggamit ng e-payments, lumalago – BSP

Positibo ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maaabot ang target para sa digital transactions o e-payments sa taong 2020.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno – posibleng umabot sa 20% o higit pa ang total settlements pagdating sa electronic payments.

Aniya, darating ang panahon na pwede nang magbayad sa pamamagitan ng QR o quick response code sa jeep, tricycle.


Sa ngayon, pwede nang magbayad sa restaurant, department store, online shop, maging sa ilang food cart at sari-sari store gamit ang mobile wallet.

Facebook Comments