Paggamit ng ilegal na droga, hindi maaring dahilan para i-disqualify ang isang kandidato – Comelec

Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi maaring gamiting dahilan ang substance abuse o paggamit ng ilegal na droga para i-disqualify ang isang kandidato sa eleksyon.

Ito ang inihayag ni Comelec Spokesman James Jimenez matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na may isang presidential aspirant sa eleksyon 2022 ang gumagamit umano ng cocaine.

Ayon kay Jimenez, alinsunod sa batas ay hindi kasama ang substance abuse para sa disqualification ng isang kandidato.


Sinubukan umano noon ng Comelec na isama sa requirement ng kandidato ang negative drug test result sa nakalipas na eleksyon pero tinutulan ito ng Korte Suprema.

Facebook Comments