Pinasisiguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga nagsasagawa ng retrieval operations na may gamit silang K9.
Ito ay sa harap na rin nang nagpapatuloy na paghahanap sa mga labi ng mga hinihinalang nasawi sa pagtama ng Bagyong Paeng sa Mindanao.
Ayon sa pangulo, malaki ang maitutulong ng K9 sa paghahanap ng mga katawan ng mga indibidwal na nasawi matapos ang pananalasa ng Bagyong Paeng.
Sa panig naman ng militar sinabi ni Philippine Army 6th Infantry Division Chief Major General Roy Galido sa situation briefing na may gamit silang K9 na nagsisilbing instrumento para agad na ma-locate ang mga labing posibleng natabunan ng lupa dulot ng landslide.
Sa katunayan ayon pa kay Galido ay nasa 21 mga labi na ang kanilang na-retrieve sa may Sitio Tinabon, Barangay Kusiong, Datu Odin Sinsuat.