Tinitignan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibleng paggamit ng nuclear energy para mapalakas ang supply ng kuryente sa bansa.
Ito ang pahayag ng pangulo sa naging pulong niya kay Mohammed Al Hammadi, Chairman at Chief Executive Officer ng Emirates Nuclear Energy Corp (ENEC).
Sa kanilang pulong, tinalakay ng pangulo at ni Hammadi ang posibleng partnership para sa pagpapalakas ng enerhiya gamit ang nuclear energy.
Bago nito ay nagpadala ng imbitasyon si Hammadi kay Pangulong Marcos para dumalo sa International Declaration to Triple Nuclear Energy – 2024 Objectives sa nakatakdang United Nations General Assembly (UNGA) sa Setyembre.
Layunin ng assembly na palakasin ang global nuclear energy capacity pagsapit ng 2050.
Nauna na ring nakipag-usap ang Board of Investments sa mga kumpanya sa United Arab Emirates (UAE) para sa posibilidad na mamuhunan sa bansa partikular sa paggamit ng malinis na enerhiya.