Ipinagbawal ng Taliban ang paggamit ng video-sharing application na TikTok at ang online multi-player game na PUBG sa Afghanistan dahil may masamang epekto umano ito sa kabataan.
Maliban dito ay ipinagbawal din sa mga TV channel ang pagpapalabas ng mga imoral na mga materyales gayundin ang musika, pelikula, at mga soap opera.
Ayon kay Taliban Spokesman Inamullah Samangani, mahalaga ang kautusan na ito upang maiwasang mapariwara ang mga kabataan.
Ito rin ang unang beses na ipinagbawal ng grupo ang isang app simula ng mamuno ang mga ito sa Afghanistan.
Facebook Comments