40 official candidates ng Binibining Pilipinas, ipinakilala na!

177

Ipinakilala na ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ang 40 official candidates na sasabak sa 58th edition ng Binibining Pilipinas pageant ngayong taon.

Inanunsiyo ito matapos sumalang ang mga kandidata sa final screening na ginanap sa Araneta City kahapon, Abril 22.

Kabilang sa mga napiling kandidata ay ang TV reporter na si Justinne Punsalang, dating PBB housemate na si Diana Mackey, at ang TV personality na si Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang “Hipon.”


Present din sa naturang event ang mga kasalukuyang title holder na sina Hannah Arnold, Miss International; Samantha Panlilio, Miss Grand International; Cindy Obenita, Miss Intercontinental; at Miss Maureen Montagne, Miss Globe.

Matatandaan na noong April 8 ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon sa prestihiyosong beauty pageant.

Facebook Comments