Nakikipag-ugnayan na ang Department of Education (DepEd) sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan para hindi makapasok sa mga paaralan ang ilegal na droga.
Tugon ito ng ahensya kasunod ng ulat na paggamit ng mga estudyante sa ‘wild mushrooms’ bilang alternatibo sa ilegal na droga.
May ilang mag-aaral ding na-ospital dahil sa paggamit nito.
Tiniyak ni Education Sec. Leonor Briones na paiimbestigahan niya ng mabuti ito upang mapalayo sa kapahamakan ang mga kabataan.
Plano ng DepEd na isama sa Curriculum ang Drug Education para makaiwas sa ilegal na droga ang mga estudyante.
Facebook Comments