Paggapos ng NPA sa Dalawang Miyembro ng Task Force Kalikasan, Pinatunayan ng Barangay Kapitan sa Ilagan Isabela!

City of Ilagan, Isabela – Pinatunayan ng punong barangay ng Sindon Bayabo sa lungsod ng Ilagan ang naganap na paggapos ng mga kasapi ng Reynaldo Piñon Command ng NPA Central Isabela Front kamakalawa sa mga miyembro ng Task Force Kalikasan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Barangay Captain Levi Matteo na ipinarating umano ng kanyang mga kabarangay ay iginapos, pinadapa at kinuha ang cellphones ng mga NPA ang dalawang miyembro ng Task Force Kalikasan na nagsagawa ng checkpoint sa nasabing barangay.

Sinabi pa ni Kapitana Matteo na isinakay naman umano ng Task Force Kalikasan ang grupo ng NPA sa kanilang sasakyan, matapos ang ginawang paggapos at inihatid malapit sa bulubunduking bahagi ng Sitio Kapaltatan ng Barangay Sindon Bayabo lungsod ng Ilagan.


Idinagdaga pa ni Kapitana na dalawang checkpoint ang mayroon sa kanyang barangay kung saan ang una umano ay malapit sa poblasyon ng barangay na tauhan ng DENR ang nagsasagawa ng checkpoint, habang ang pangalawa ay ang checkpoint ng Task Force Kalikasan.

Magugunita na ipinahayag ng Reynado Piñon Command ang kanilang ginawang pagdis-arma kamakailan sa mga miyembro ng Task Force Kalikasan sa umanoy’ pagsira ng kalikasan at paglabag sa karapatang pantao dahil sa umanoy laganap na pangungutong sa mga loggers na ang tanging nakikinabang umano ay ang nasa gobyerno at hindi ang taumbayan.

Facebook Comments