Paggastos sa Bayanihan 2, pinamamadali ng isang kongresista

Minamadali na ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang paggastos ng pamahalaan sa Bayanihan 2.

Paliwanag ni Quimbo, kailangan na ng bansa ng pagtaas sa paggastos upang mapaikot at maiangat ang ekonomiya sa gitna ng pandemya.

Ito aniya ang dahilan kaya naghain si AAMBIS-OWA Partylist Representative Sharon Garin at iba pang mga kongresista ng panukala na sisilip sa paggastos sa Bayanihan 2.


Aniya, kung nagastos ng gobyerno ang buong P165 bilyon na pondo sa Bayanihan 2 sa ekonomiya ay magreresulta sana ito ng P252 bilyon na dagdag sa kabuuang kita ng bansa.

Ito aniya ay katumbas ng 1.3% ng Gross Domestic Product (GDP).

Paliwanag ni Quimbo, kung susuportahan ang Bayanihan 3 na may pondong P420 bilyon ay tiyak na mas tataas ang kita ng pamahalaan at makakatulong ito sa pag-akyat ng ekonomiya.

Facebook Comments