Kasabay ng isinagawang skills training ay tinalakay rin ang iba’t ibang uri ng kuneho na makukuha sa bansa gayundin ang mga benepisyo ng pagkonsumo ng karne ng kuneho kumpara sa karaniwang karne ng baboy at manok.
Nagbigay din ng tip kung paano magpalaki ng mga kuneho na may kalidad, partikular na ang crossbreeding at ang meat recovery ratio.
Lumalabas sa pag-aaral ng mga eksperto, ang karne ng kuneho ay isa sa pinakamalusog, pinakapayat, at pinaka-friendly na mga karne na makakain dahil ito ang may pinakamataas na porsyento ng protina, pinakamababang porsyento ng taba, at pinakakaunting calorie kada libra.
Ilan sa mga lumahok sa pagsasanay ang nakagawa ng rabbit tocino, tapa, at patties bukod sa iba pa, ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa ahensya sa pagbibigay sa kanila ng magandang pagkakataon sa bagong pakikipagsapalaran na ito ng pagproseso ng karne ng kuneho upang mapabuti ang kanilang katayuan sa ekonomiya.