IATF, nakatakdang maglabas ng panibagong Alert Level System

134

Nagpupulong ngayong hapon ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Communication Secretary Martin Andanar, sakaling magkaroon ng final recommendation ang task force, agad nila itong isasapubliko.

Kasunod nito, umaasa si Andanar na makakapagpalabas ng desisyon ang IATF anumang oras ngayong araw.


Magiging epektibo ang ilalabas na bagong Alert Level System sa bansa, simula April 16 hanggang April 30, 2022.

Sa ngayon, nananatiling nasa Alert Level 1 ang malaking bahagi ng bansa.

Facebook Comments