4 Indibidwal kabilang ang 18-anyos na Lalaki, Timbog sa Pagbebenta ng Shabu

27
Cauayan City, Isabela-Arestado ang apat (4) na indibidwal sa ginawang operasyon ng mga awtoridad matapos mahuli sa pagbebenta umano ng iligal na droga sa Brgy. Magsaysay, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Harold Valeros, 18-anyos, binata, isang construction worker; Marlyn Valeros, 46-anyos; Benedict Valeros, 52-anyos, at Jomer Dela Cruz, 37-anyos, walang asawa, isa ring construction worker at lahat ay pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang limang (5) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang droga na may bigat na 1-gramo; labindalawang (12) piraso ng pakete na naglalaman naman ng pinatuyong dahon ng marijuana, stalks at fruiting tops na tumitimbang ng 200-gramo na tinatayang nagkakahalaga ng P24,000 at mga drug paraphernalia.

Nasampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na ngayon ay nasa pangangalaga ng mga awtoridad.

Facebook Comments