Pagguho ng Lupa at Pagbaha, Naitala sa ilang lugar sa Lambak ng Cagayan

*Cauayan City, Isabela*-Nakaranas ng pagguho ng lupa ang ilang lugar sa Lalawigan ng Isabela dahil sa patuloy na nararanasang pag uulan dahil sa epekto ng Bagyong Tisoy sa Southern Area.

Ayon kay PDRRMC Officer Basilio Dumlao, naranasan ang pagbagsak ng pambansang lansangan ng Brgy. Bautista sa Bayan ng San Agustin kaya’t pansamantalang isinara ito sa publiko habang patuloy naman ang pagtaas ng lebel ng tubig sa mga ilog dahil sa pag apaw ng Cagayan River.

Dagdag pa nito na ang ilang overflow bridges gaya Cansan Overflow Bridge na nag-uugnay sa Cabagan at Sto. Tomas, Isabela; ang Casibarag Overflow Bridge sa Sta. Maria, Isabela; ang Baculod Overflow Bridge sa Lunsod ng Ilagan, at ang Alicaocao Overflow Bridge sa Cauayan City at ang Siffu bridge sa Roxas, Isabela ay hindi na madaanan dahil sa pag apaw ng tubig dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan.


Sa ngayon ay wala pa namang naitalang inilikas na pamilya sa mga nabanggit na lugar pero pagtitiyak ng Pamahalaang Lalawigan ng Isabela ang kanilang patuloy na pagmomonitor sa mga lugar na makakaranas ng pagbaha.

Samantala, hindi na rin madaaanan ang ilang tulay sa Lungsod ng Tuguegarao na kinabibilangan ng Pinacanauan River, Catapatan Overflowbridges dahil sa pag apaw ng lebel ng tubig sa Buntun Bridge na umabot sa 6.5 meters.

Courtesy: MayoyaoPulistation/ForPublicUsage Purpose

Facebook Comments