*Cauayan City, Isabela*- Maituturing na payapa ang paggunita ng UNDAS sa buong lambak ng Cagayan matapos ang pagbisita ng publiko sa kani-kanilang mga namayapang mahal sa buhay noong Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2,2019.
Ayon kay Acting Regional Director P/BGen. Angelito Casimiro ng Police Regional Office 2, payapa sa kabuuan ang katatapos na paggunita ng undas maliban na lamang sa ilang naitalang insidente gaya ng pagkahuli sa isang lalaki na umano’y nagpaputok ng baril sa loob ng pampublikong sementeryo sa Brgy. San Ignacio, Ilagan City at ngayo’y nahaharap sa kasong RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions at Alarm and Scandal.
Kaugnay nito,pinuri naman ni P/BGen. Casimiro ang lahat ng kapulisan sa rehiyon sa pagpapanatili ng mga ito ng kapayapaan sa paggunita ng undas gayundin ang lahat ng mga opisyal ng barangay, LGUs, volunteers at NGOs.
Dagdag pa niya na ang payapang paggunita ng undas ay nagpapakita lamang na sapat ang pagiging handa ng kapulisan upang mapanatili ang kapakanan ng publiko.
Binigyang-diin din nito na malaking kadahilanan ang naging ambag ng publiko sa pagpapanatili ng kapayaan sa katatapos na undas.
Sa ngayon ay mananatiling nakafull alert ang hanay ng kapulisan para sa pagbibigay ng maayos na seguridad sa publiko ngayong ang karamihan ay babalik na sa kani-kanilang mga trabaho sa kalakhang maynila.