Nilinaw ng Malacañang na hindi holiday sa buong bansa ngayong araw, January 27, 2025, kasunod ng paggunita ng mga kapatid na Muslim sa Al Isra Wal Miraj o ang Gabi ng Paglalakbay at Pag-akyat ng Propeta Muhammad.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, ipagdiriwang lamang ito sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at iba pang mga lugar.
Hindi aniya ito isang national holiday kundi isang Muslim holiday sa iba pang lugar na sakop ng Muslim Code o tinukoy bilang Muslim areas.
Gayunman, ang mga Muslim na nasa mga lugar kung saan hindi idineklara ang holiday, tulad ng Metro Manila ay pinapayagang lumiban sa trabaho sa ngayong araw.
Facebook Comments