Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na mayroon pang panahon ang mga nais maghain ng petisyon para sa diskwalipikasyon ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kasunod ito ng pangalawang disqualification case na inihain laban kay Marcos ng Akbayan Partylist kasama ang ilang sectoral leaders.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, pwede pa itong gawin hanggang sa mismong araw ng proklamasyon.
Nitong November 17 inihain ang unang disqualification case laban sa dating senador ni Bonifacio Ilagan at ng mga kasama nito.
Ang disqualification case ay may kinalaman sa 1995 tax case conviction ni Marcos sa Quezon City Regional Trial Court.
Facebook Comments