Paghahanap ng katotohanan at katarungan kaugnay ng Martial Law noong Rehimeng Marcos, dapat ituloy – Robredo

Dapat ituloy ng taumbayan ang paghahanap ng katotohanan at katarungan.

Ito ang mensahe ni Vice President Leni Robredo kasabay ng paggunita sa ika-47 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Ayon sa Bise Presidente,  tungkulin ng bawat isa na tiyaking hindi magkakaroon ng lugar sa pamahalaan ang sinumang diktador.


Aniya, walang pinuno ang dapat na maging mas makapangyarihan kaysa sa taumbayan.

Samantala, welcome naman kay Robredo ang pagkakaroon ng subject tungkol sa Martial Law sa University of the Philippines Diliman.

Katunayan aniya, dapat ay noon pa ito ginawa maging sa iba pang eskwelahan.

Para naman kay dating Commission on Human Rights Chief Etta Rosales, na isa rin sa naging biktima ng Martial Law noong Rehimeng Marcos, dapat na bantayan ang demokrasya ng bansa.

Naniniwala naman si Presidential Spokesman Salvador Panelo na tama lang ang pagdedeklara ng Batas Militar para maisalba ang demokrasya ng bansa basta’t walang pag-abuso.

Panawagan niya sa publiko, gamiting leksyon ang nangyari noong Rehimeng Marcos at gawin itong gabay sa kasalukuyan.

Facebook Comments