Paghahanap ng NBI kay Julian Ongpin na person of interest sa pagkamatay ng artist na si Bree Jonson, hindi pa inuumpisahan

Wala pang paghahanap na isinasagawa ang National Bureau of Investigation (NBI) para sa person of interest sa kaso ng pagkamatay ng visual artist na si Bree Jonson na si Julian Ongpin.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, hinihintay pa nila ang maipalabas ang warrant of arrest sa kaso bago arestuhin si Ongpin.

Unang inatasan ng DOJ ang Bureau of Immigration na magpalabas ng lookout bulletin order para padaluhin sa preliminary investigation ng DOJ.


Matatandaang ayon kay Philippine National Police (PNP) Police Brigadier General Emmanuel Peralta, unang nakita si Ongpin noong martes, September 21 nang boluntaryong nakiisa sa imbestigasyon.

Sa ngayon, dinala na ang mga labi ni Jonson sa Davao City.

Facebook Comments