Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang gagawing State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.
Ayon kay MMDA Special Operations Group Head Bong Nebrija, puspusan na ang kanilang clearing operation sa mga kalsada malapit sa batasang pambansa.
Aniya, isa rin ito sa nakikita nilang paraan para maibsan ang trapiko bunsod ng ginagawang MRT 7.
Bukod sa mga rerouting scheme, nilinis din ng MMDA ang Visayas Avenue na madalas nagkaka-traffic.
Facebook Comments