Manila, Philippines – Kinumpirma ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na ang paghina ng dolyar ang isa sa mga dahilan ng muling pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Romero, nakadagdag din sa muling paggalaw ng halaga ng langis ang pagtaas ng demand nito sa ilang bansa sa Asya tulad ng India, Vietnam, China at Sri Lanka.
Bukod dito, tapos na rin aniya ang Ramadan kaya nakadagdag din ito sa pagtaas ng konsumo o demand ng petrolyo.
Sinabi pa ni Romero na naka-trigger din sa oil price hike ang pananalanta ng katatapos na bagyo sa Estados Unidos.
Facebook Comments