Cauayan City, Isabela- Nakatakdang babalik ang mga International at National Museum Archaeologist upang muling maghukay sa umano’y pinaniniwalaang may mga naiwang artepakto ng mga sinaunang tao at hayop na mayroon ng 709,000 taon ang nakalipas.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Mayor Marcelo Dela Cruz ng probinsya ng Kalinga sa RMN Cauayan kung saan nakatakdang bumalik ang mga ekspertong arkeologo sa Sitio Greenhills, San Pedro, Rizal, Kalinga nitong ika sampu ng buwan ng Hunyo hanggang ika-anim ng Hulyo.
Ayon kay Mayor Dela Cruz, Papangunahan ngayon ang paghuhukay sa mga fossils ng hayop at tao ng mga arkeologong mula sa bansang France, Germany, Italy at iba pang mga International archaeologist.
Aniya, may nauna na silang nadiskubreng mga artepakto kasama ang mga ekspertong arkeologo na mga fossils ng tao at hayop gaya ng Rhinoceros na pinaniniwalaang kinatay ng mga naunang tao.
Ayon pa kay Mayor Dela Cruz na malakas umano ang haka-haka ng mga eksperto na mayroong nakitang mga labi ng sinaunang tao sa nakalipas pa na 67, 000 na taon kasabay ng mga naunang nakuhang artipakto ng mga tao at hayop.
Hinihikayat naman ngayon ni Mayor Dela Cruz ang lahat lalo na sa mga mag-aaral upang saksihan ang kanilang isasagawang paghuhukay sa mga fossils sa naturang lugar.