Santiago City, Isabela – Matagumpay na naaresto ng Station 1 PNP Santiago ang siyam na katao sa mahigpit na operasyon laban sa illigal gambling.
Sa panayam ng RMN Cauayan sa programang Unang Radyo Unang Balita kay Police Chief Inspector Rolando Gatan, sinabi niya na puspusan ngayon ang pagpapatupad sa operasyon ng mga ipinagbabawal na sugal tulad tong-its, madyong, drop ball at iba pang uri ng sugal na bawal sa batas.
Sinabi pa ni Inspector Gatan na sa dalawang magkasunod na operasyon ng kapulisan sa Santiago partikular sa Barangay Dacanay at Centro west ay naaresto ang siyam na gamblers kung saan nasa piitan na ng PNP Santiago at nakatakda nang sampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 o Anti Gambling Act.
Samantala nanawagan si Inspector Gatan sa lahat na makipag-koordinasyon sa kapulisan upang mapabilis ang paghuli sa mga illigal gambles at upang malinis na ang lungsod.
Ipinaliwanag pa ni Gatan na kahit sino umano ay pwedeng humuli sa ganitong kaso dahil matagal na umano na nagbigay ng paabiso ang kapulisan sa lahat na bawal ang anumang uri ng sugal.