Masyadong maaga para husgahan kung epektibo ba ang K-12 program.
Ito ang iginiit ng Department of Education (DepEd) kasunod ng plano ng Kamara na pag-aalang muli ang programa.
Ayon kay DepEd Usec. Annalyn Sevilla, kailangang makumpleto ang cycle mula Kindergarten hanggang Grade 12.
Aniya, nasa tatlong batch pa lamang napatapos sa ilalim ng K-12.
Base sa Initial Findings ng DepEd, 60% ng mga graduates ang nagpatuloy sa Kolehiyo.
Aalamin nila kung ang natitirang 39% ay pwede nang makapaghanap ng trabaho pagkatapos ng kanilang Senior High Graduation.
Aminado ang DepEd na may mga problema pa silang kinakaharap kabilang ang kakulangan ng pasilidad, gamit, at mga guro.
Facebook Comments