Pagiging Anim na Distrito ng Isabela, Nakaamba Na!

Cauayan City, Isabela – Inaasahan na magiging anim na distrito ang lalawigan ng Isabela matapos na pumasa at naaprubahan ito sa House of Representative kung saan ay nakapaloob sa House Bill No. 7778.

Ayon kay Atty. Randy Arreola, Board Member ng ikatlong distrito ng Isabela na ang redistricting umano ng Isabela ay kailangang pirmahan muna ni Pangulong Duterte bago maging isang batas.

Matapos umano na mapirmahan ng pangulo ay kailangang maglabas ng Implementing Rules and Regulations o IRR ang COMELEC kung paano mangyayari ang karagdagang distrito ng Isabela.


Sinabi pa ni Atty. Arreola na ang Isabela ay isa sa pinakamalaking probinsya ng bansa kung kaya’t naging kwalipikado ito na magkaroon ng anim na distrito.

Samantala ang unang distrito ay kinabibilangan ng Ilagan City, Cabagan, Delfin Albano, Divilacan, Maconacon,Tumauini, San Pablo, Santa Maria at Sto. Tomas; pangalawang distrito ang Benito Soliven, Palanan, Naguilian at Gamu; pangatlong distrito ang Alicia, Cabatuan, San Mateo, Ramon at Angadanan; ang 4th district naman ay Santiago City, Cordon, Dinapigue, San Agustin at Jones; sa panglimang distrito ay ang bayan ng Aurora, Burgos, Luna, Mallig, Quezon, Quirino, Roxas at San Manual; at ang pang-anim na distrito ay ang Cauayan City, Echague, San Guillermo at San Isidro.

Facebook Comments