PAGIGING BAKUNADONG INDIBIDWAL KONTRA COVID-19, HINDI PA REQUIREMENT PARA MAKAPAG DONATE NG DUGO AYON SA RED CROSS PANGASINAN

Nilinaw ng pamunuan ng Philippine Red Cross-Pangasinan Chapter na sa ngayon ay hindi pa rin requirements para sa mga lalahok sa bloodletting activity ang pagiging bakunado kontra COVID-19.

Sinabi ni Janine Esguerra, Medical Technologist ng Red Cross Dagupan na wala pa umanong ibinabang guidelines na kailangan ay bakunado ang isang indibidwal para maging donor ng dugo.

Iginiit nito na hindi maaaring pagbawalan ang isang indibidwal na hindi pa nakakatanggap ng kanilang COVID-19 vaccine na makapag donate ng dugo.

Sa ngayon ay maaaring makapagbigay at magdonate ang may nais kahit ano pa man ang vaccine status ng mga ito.

Patuloy naman ang kanilang panawagan sa publiko na kung maaari ay makilahok sa iba’t ibang bloodletting activity maging ng iba’t ibang mga kompanya na nais magsagawa nito ay makipag ugnayan lang sa kanilang ahensiya upang mapunan ang pangangailangan ng publiko sa dugo lalo ngayong pandemya. | ifmnews

Facebook Comments